Dec 1, 2005

theatric calls of the insane

***
nang nangako kang
sungkitin ang mga tala
at ibigay sa mahal mo,
hindi mo naman sinabing
para sa akin ang mga ito.
basta mo lang inabot,
walang sabi sabi,
tumalikod at nanahimik sa tabi.
malay ko ba namang
nagluluksa ka pala
sa nauna mong pag-ibig
na ako ang sumira.
di ko naman sadya
na yakapin ka
at akalaing para sa akin
talaga
ang mga talang hinukay
ng nagsusugat mong mga kamay.


***
sinulatan mo ang papel
na tinabi ko mula pa
nung bata ako.
yun na nga lang ang natira
sa mga alaalang
ako n lang ang nakaalala
at nakapagtago.


***
watch the dancer's silhouttes
glide and sway and slide

to the music of the arizona
where you hear the chirps
and squishes of little feet
and after which
the growl of the satisfied beast.

hear the conductor's wand
swish and splash and swash

to create a harmony of the hues
with the whites and oranges and reds
and the greens of the sky
and blues of the earth.

taste the bittersweetness
of the operatic voices

to feel the fairlessness
with the magic touch
of the soothingly smooth
sleekness.


***