Aug 17, 2005

balabal

ang lamig ngayon
nakakapaso...
naiwan ko yung balabal ko.
iniwan ko yung balabal ko...
sana mahanap ko pa
sana walang kumuhang iba...
sana...
malaman niyang
kailangan ko siya...
ang dami ng sugat
kasi
dumidikit sa balat ko
yung apoy ng ulan.
tulungan niyo ko...
kailangan ko siya...
dapat kong kasama.
dapat kong yakap.