May 15, 2005

nagchachat kami ni lor isang hapong maaliwalas (mayo 9, 2005, 4:19pm) ng bglang nagkatuwaan kaming magpoetry mode...

ANG TADHANA AT SIYA
(di nman kami maxdo mahilig maglgay ng pamagat ni lor pero feeling ko gusto ko ngaun!!!! ahahaha!)
ang kariktan ng karimlan

ay nasa kawalan nito ng kaliwanagan
kukulangin ang mga talinhaga
kung iisa-isahin pa
nito na angkinin ang
bawat hiwaga
na nakahimlay sa sulok
ng
duyan niya.
ihinehele at inaalagan.
pinapayabong na parang sarili niya.
nagnanais na tila isa pang bata
sa pag-ibig na nakalaan na sa iba
minsan tulo'y naisip nya
ibaon na lang sa limot
o minsa'y balikan pa.
ngunit ang lobong sakim
ay sadyang di niya mabaka.
niyurakan lang at minsan pa'y pinahina
siya.
ginusto mang labanan
di rin nakayanan
nagpatuloy tuloy na lamang
sa karimlan
na kanyang pinagmulan.
di na muling bumalik.
sa pagiisa at kalungkutan
siya'y nanahan,
at nawala nang tuluyan.

yan ang tula namin ni bes beans ko...yay! hehehehe...ang aming tula...*bow*