Apr 12, 2005

ILUSYON

sa bawat mong pag-indak

sa musikang mahalimuyak,
naglalandi ang bawat mong galaw
na siyang nagsindi sa init ng aking balintataw.

mga panahong limot na at bura na sa alaala,
nagbabalik na tila pa multo ng tadhana.

sa pagbalot ngayon ng lamig ng lumuluhang langit,
naghihintay na lamang ako sa pamamaalam
na iyong binanggit -
kasawiang huli sa pagdating,
kalayaang kapos ng mga dingding.

~

it's already 3.31 am in the morning and i am having fun searching downelink. thanks a lot el.