Jan 31, 2005

*sigh*

patuloy tuloy ang
paglutang ng puting usok
mula sa yosing
kanina pa ay
hinihithit ko na.
tila ayaw nitong maubos,
tila ayaw nitong maitapon
ng basta na lang
sa kung saan.
ngunit ang usok eh
sandali lang anjan.
may pinatutunguhan
pero hindi ko naman
nalalaman.
lulutang lutang lang yan
kung saan saan
tpos mawawala
para bang bula.
para bang ikaw.
para nga bang ikaw?
o ako ba na wari'y
nakikisawsaw?