Showing posts with label tula. Show all posts
Showing posts with label tula. Show all posts

Mar 23, 2005

isang libo't isang daan

isang libo't isang daang pulang rosas
na
nagkalat sa tabi mo,
isang libo't isang daang ngiti
na hindi na
masisilayan pang muli.
isang libo't isang daang salita
para sa
kariktan ng karimlang ito,
isang libo't isang daang rosas na puti
ang
sasalubong sa
iyong pag-uwi.



**para sa bawat isa na hindi na muli pang masisilayan ang isang libo't isang daang patak ng luha na patuloy-tuloy angpagtulo mula sa mga mata na naulila ng paglamon ng higanteng mga alon sa humigit-kumulang labin-isang bansa sa Asya.

tula

mga puta.



sa ilalim
ng nagtitingkarang bituin


nakikisaliw sa himig
ng awitin ng mundo.


isang patlang


sa
unang tingin


nagkukubli na kasama


ang maskarang
mukha mo.



**para sa mga kababaihang biktima ng mapnghusgang mga mata.

Feb 28, 2005

tired

im tired of me.



pagod na ako
sa patuloy na kakaantay
sa isang tulad mo.

pagod na ako
sa buhay na inakala kong
akin pero iba
ang nagpapatakbo.

pagod na ako
sa pagasa
sa mga pangakong binitiwan mo.

pagod na ako
sa isang tulad mo.

pagod na ako.
pagod na pagod na ako.

Jan 31, 2005

*sigh*

patuloy tuloy ang
paglutang ng puting usok
mula sa yosing
kanina pa ay
hinihithit ko na.
tila ayaw nitong maubos,
tila ayaw nitong maitapon
ng basta na lang
sa kung saan.
ngunit ang usok eh
sandali lang anjan.
may pinatutunguhan
pero hindi ko naman
nalalaman.
lulutang lutang lang yan
kung saan saan
tpos mawawala
para bang bula.
para bang ikaw.
para nga bang ikaw?
o ako ba na wari'y
nakikisawsaw?

smoke and somke and a lot more smoke.

pag ang baga mo ay nanlimos ng usok mula sa'yo,
wag mo nang ipagkait ito.
kasi madalas, pag ang utak at puso mo
eh hindi nagkakasundo,
ang baga mo na lamang ang tanging makakaintindi sa'yo.
kaya ibagay mo na ang gusto nito.
malay mo,
yun lang pala ang makakapagpalinaw
ng mga bagay bagay sa paligid mo.


Oct 8, 2004

hell week jitters ni ate dilaw

sa bawat pagpintig
ng mailap n mga salita
kailangang hulihin
ang oras
para likumin
ang mga paliwanag
at pagpapanggap
na sa pisong inagaw
sa salat n mamamayan
ay may mga salita
sa papel,
at mga papel
na mananatili
na lamang doon.

awit s pghihintay

sa bawat pagdilaw
ng dahon
sa bawat pagpula
ng lupa
naghihintay sa mga
nagdaang panahon...
at sa pagaasang
maibalik ang mga luha.