Mar 7, 2005

"...cradle me to you."

blog blog blog...

eto ang gawain pag walang magawa. ang mag-post ng mag-post at mangarap na sana mabasa ng taong pinaglaanan mo ng oras kakaisip ang post mo, kahit na alam mo na kahit pa anong gawin mo eh di ka na muli pang babalikan ng taong pinagaalayan mo ng mga salitang paulit-ulit mong isinusulat at sinasabi sa mga kaibigang pagod na sa kakarinig sa mga hinanakit mo.

pero teka lang, tama ba na masaktan ka? oo siguro kasi alam mong kasalanan mo na hindi ma maibabalik pa ang dati nyong relasyon bilang magkaibigan. pero kung nasasaktan ka dahil hindi siya napunta sayo, mali naman un.

unang una, hindi bagay ang isang tao para naisin mong makuha at angkinin. pangalawa, kung totoo ang sinasabi mong mahal mo sya, dapat kaya mong ibigay ang lahat sa kanya - pati ang kalayaang magmahal ng iba.

teka, mahal mo nga ba? yan, dapat malinaw sa'yo ang ibig sabihin ng pagmamahal o pag-ibig o love. minsan kasi we mistake love for that other state of being: in love. dalawang magkaibang bagay un.

love.

in love.

mas matibang ung pangalawa. bakit kamo? kasi ganito. pag love, tanging mga bagay na nais nyang ipakita na siya ang minamahal mo. pero pag in love ka, tanggap mo sya ng buong buo. lahat lahat, mga pagkakamali nya noong mga unang panahon na hindi pa kayo magkakilala at mga imperfections nya. tanggap mo ang lahat sa kanya, walang labis, walang kulang.
speaking of labis and kulang, dapat when you give out love, you should also let it come in. we think kasi we don't deserve love kaya we shut ourselves up, not knowing that there's a great love out there waiting for us. minsan kasi bigay ka lang ng bigay. tama nga namang hindi humingi ng kapalit pero naman, pag kusang binigay sayo wag ka nang umangal pa. pasalamat ka na lang at may taong nagnanais na mabigyan ng pagkakataong mahalin at arugain ka.

POTAH.

w8 nga, san ba galing tong mga pinagsasasabi kong to? eh naku, wag nga kayong makinig sa akin. baka mapariwara lang din ang buhay nyo, di lang ang buhay-eskwela kundi pati na ang buhay pag-ibig. ;p


...im looking for some "me" in another being looking for the same thing...