Feb 16, 2005

natatak sa isip ko ung niprint ni ciara xka ate julie

manhid.

wala nga naman talagang taong manhid. mga nagmamanhid-manhidan lang.

mga taong sobra sobrang nasasaktan. pero ang ipinapakita eh kabaliktaran ng kanilang nararamdaman.

mga taong palatawa, palangiti. pero sa loob nila, umiiyak, nagsisisi.

oo, nagsisisi. nagsisisi sa mga bagay na ginawa nila. ang hayaan ang puso na mahulog, para lamang saluhin ng isang libo't isang daang piraso ng bubog.

nagsisisi sa mga bagay na hindi nila nagawa o nasabi. ang pagsabi ng mga tunay nilang nararamdaman, ang pag-amin ng puso nilang naguguluhan.

manhid.

oo, may mga panahong hindi mo dapat ipahalata na ikaw eh nasasaktan. hindi mo dapat ipakita na ikaw eh naguguluhan.

pero kailangan naman aminado ka sa mga nararamdaman mo. sa lahat ng pagtataguan mo, wag na wag ang sarili mo. siguro mapapaniwala mo ang utak mo, pero wala kang maitatago sa puso.

puso ang nakakaramdam, puso ang nasasaktan.
utak ang nakakaintindi, utak ang pilit na nagpapaintindi.

madalas silang magkasalungat. pero kailangan mo silang mapag-isa kung ayaw mo na ng mga sugat.